Sanchez, hindi kwalipikado sa GCTA – Malakanyang

By Angellic Jordan August 23, 2019 - 03:34 PM

Iginiit ng Palasyo ng Malakanyang na hindi kwalipikado si convicted rapist-murderer at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa mga posibleng maagang mapalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, sa kaniyang pag-rebyu sa Republic Act 10592, nakasaad na hindi pasok sa batas ang mga recidivist, habitual delinquent, tumakas at kriminal na sangkot sa heinous crimes.

Sa kasong paggahasa at pagpatay sa estudyante si Eileen Samenta at Allan Gomez noong 1993, hindi aniya kwalipikado ng benepisyo si Sanchez.

Suportado aniya ng Palasyo ang hakbang ng Bureau of Corrections (BuCor) na maging maingat sa recomputation ng mga GCTA sa lahat ng kaso.

Dagdag pa ni Panelo, welcome rin sa Palasyo ang nais ng mga mambabatas na magsagawa ng pagdinig ukol sa posibleng pagpapalaya kay Sanchez.

Matatandaang iginiit din ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi kwalipikado si Sanchez sa nasabing batas.

TAGS: Bureau of Corrections (BuCor), convicted rapist-murderer, dating Calauan, Eileen Samenta at Allan Gomez, Good Conduct Time Allowance, Justice Secretary Menardo Guevarra., Laguna mayor Antonio Sanchez, Palasyo ng Malakanyang, Bureau of Corrections (BuCor), convicted rapist-murderer, dating Calauan, Eileen Samenta at Allan Gomez, Good Conduct Time Allowance, Justice Secretary Menardo Guevarra., Laguna mayor Antonio Sanchez, Palasyo ng Malakanyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.