Air Canada nag-emergency landing, 21 pasahero isinugod sa ospital

By Mariel Cruz December 31, 2015 - 04:19 PM

air canada
wikipedia.org photo

Aabot sa dalawampu’t isang pasahero ng Air Canada flight AC088 na galing Shanghai at patungong Toronto ang isinugod sa ospital.

Ito ay matapos makaranas ng matinding turbulence na nauwi sa emergency landing sa Calgary ang naturang eroplano.

Ayon sa pahayag ng pamunuan ng Air Canada, sumailalim na sa medical examination ang mga pasahero nakaranas ng turbulence at nailipat na sa mga lokal na ospital.

Ayon pa sa Air Canada, ang Boeing 777-300ER plane ay may sakay na tatlong daan at tatlumpu’t dalawang pasahero at labing siyam na crew members.

Napaulat din na ilan sa mga pasahero ng naturang eroplano ay nabagsakan ng mga bagahe habang nangyayari ang matinding turbulence.

Magsasagawa na nang imbestigasyon ang Air Canada sa nangyaring insidente.

TAGS: Air Canada plane emergency landing, Air Canada plane emergency landing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.