WATCH: Mga magulang ng mga nawawalang estudyante, bumuo ng sariling grupo
Bumuo at inilunsad ng mga magulang ng mga nawawalang estudyante ang sarili nilang grupo para labanan ang panghihikayat ng mga militanteng grupo sa mga kabataang estudyante.
Ayon sa League of Parents of the Philippines, gusto nilang protektahan at pangalagaan ang mga estudyante laban mga grupo na kaalyado ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).
Anila, gamit ang taktikang ‘legal front recruitment,’ sinasakyan ng mga militanteng grupo ang mga lehitimong isyu na may kinalaman sa sektor ng edukasyon tulad ng tuition, academic freedom, campus freedom at ang sistema ng edukasyon para manghikayat ng mga estudyante.
Nabanggit din sa nagkaisang pahayag ng mga magulang na unti-unting hinuhubog ang kaisipan ng mga estudyante ukol sa mga sistema sa lipunan hanggang sa isabak na nila ang mga ito sa armadong pakikibaka.
Sinabi pa nila na political front at recruitment base ng NPA ang mga grupong Kabataan, Anakbayan, LFS, NUSP, CEGP at SCM.
Bintang pa nila, napapasok din ng ‘communist cell’ ang student councils, campus publication, fraternities at mga cultural and academic organization.
Ilan sa mga magulang na kasapi na ng bagong tatag na grupo ay ang mga ina na humarap sa dalawang pagdinig sa Senado.
Narito ang buong ulat ni Jan Escosio:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.