Hayagan ang pagsuporta sa pagsusulong ng mga karapatan ng mga miyembro ng LGBTIQ+ community ni Senator Christopher Go ngunit aniya hindi siya pabor sa pagkakaroon ng same sex marriage sa bansa.
Katuwiran ni Go hindi pa handa ang mga Filipino sa pagpapakasal ng magkatulad na kasarian.
Dagdag pa ng senador bukas siya sa same sex union ngunit maging ito aniya ay dadaan sa mahaba at matinding debate sa Senado.
Kasabay nito, aminado si Go na marami sa kanyang mga kapwa senador ang tutol sa SOGIE Bill ngunit aniya isusulong niya ang Anti-Discrimination Bill.
Kasama din ang senador sa mga sang-ayon na magkaroon na ng sariling comfort room ang mga miyembro ng LGBTIQ+ community.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.