Mas malaki at mahabang foot bath inilagay sa NAIA terminals vs African Swine Fever

By Rhommel Balasbas August 23, 2019 - 03:06 AM

Pinaigting pa ang pagpapatupad ng preventive measures upang mapigilan ang pagpasok ng African Swine Flu (ASF) sa bansa.

Naglagay ang Bureau of Animal Industry (BAI) ng mas malaki at mas mahabang ‘foot bath’ sa lahat ng terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lalo na sa Terminal 3.

Mas mahigpit ang pagbabantay ngayon ng BAI kasama ang Bureau of Customs (BOC) at Manila International Airport Authority (MIAA) sa lahat ng processed at unprocessed meat.

Ipinatutupad na ang ‘no meat’ policy sa lahat ng terminal dahilan para kumpiskahin ang lahat ng uri ng karne ng hayop maging ang canned meat.

Ang paghihigpit ng mga ahensya ng gobyerno ay matapos ang pagkamatay ng mga baboy sa lalawigan ng Rizal na pinagsususpetsahang dahil sa ASF.

Samantala sa datos na ibinahagi ng BOC-NAIA Huwebes ng gabi, umabot na sa 4,496 kilo ng karne at meat products ang nakumpiska para maiwasan ang outbreak ng ASF.

 

TAGS: African Swine Fever, BOC-NAIA, Bureau of Customs, foot bath, karne, mahaba, mas malaki, meat products, NAIA, no meat policy, preventive measures, processed, terminals, unprocessed, African Swine Fever, BOC-NAIA, Bureau of Customs, foot bath, karne, mahaba, mas malaki, meat products, NAIA, no meat policy, preventive measures, processed, terminals, unprocessed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.