Mga pampublikong guro sasalubungin ang bagong taong tuyo

By Jong Manlapaz December 31, 2015 - 01:24 PM

INCREASE SALARY PROTEST/ JUNE 2, 2014 Teachers and education advocates gather at Mendiola Bridge in Manila on Monday to address the shortages in public education and enact salary increase. INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA
Inquirer File Photo

Binatikos ng grupo ng mga pampublikong guro ang Pangulong Noynoy Aquino sa kanilang nararanasang Pasko at anila’y Bagong Taong tuyo.

Ayon kay Teacher Benjo Basas, National Chairperson ng Teachers Diginity Coalition, maraming guro ang sumama sa loob sa pamahalaang aquino matapos na hindi dumating sakanila ang year bunos na kadalasan nilang natatanggap tuwing bago mag-Pasko.

Sinabi pa ni Basas na nung panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo, nakakatanggap pa sila ng bonus na nagkakahalaga ng 10thousand pesos simula 2002 hanggang 2009.

Pagdating sa administrasyong aquino, dalawang taon lamang pinanatili ni PNoy ang nasabing bonus sa mga guro at pagdating ng taong 2012 ginawala na lamang itong limanglibong piso.

Bagkus ipinalit umano ang nakakainsultong mahigit limangdaang pisong increase sa suweldo ng mga guro kada buwan.

Iginiit pa ni Basas hirap at gutom ang naging regalo ni PNoy sa mga guro, kaya umaasa na lamang sila sa susunod na administrasyon na maririnig ang hinain nilang mga guro na humuhubog sa bayan.

TAGS: bagong taong tuyo, pampublikong guro, bagong taong tuyo, pampublikong guro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.