Cebu magpapatupad ng ban sa pag-aangkat ng pork products
Magpapatupad ang probinsya ng Cebu ng temporary ban sa pag-aangkat ng mga meat products mula sa bansang apektado ng African Swine fever (ASF).
Ang kautusan ay inilabas ni Governor Gwendolyn Garcia bilang preemptive measures kahit walang outbreak ng ASF sa bansa.
Nakapaloob rin sa kautusan ni Garcia ang contigency plan at ang pagbuo ng isang task force kasunod ng hinihinalang kaso ng ASF sa Luzon.
Nais ni Garcia na maprotektahan ang industriya ng hog raising sa kanilang lalawigan.
Isa sa pangunahing atraksyon sa probinsya ang kanilang lechon at ang kanilang tuslob buwa, isang uri ng street food mula sa pork liver at pork brain.
Ang Cebu ay ika-apat sa pork producing province sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.