Simbahan agad pinareresolba ang pananambang sa isang kagawad sa Laguna na ikinasugat din ng isang pari

By Ricky Brozas August 22, 2019 - 08:58 AM

Umaasa si San Pablo, Laguna Bishop Buenaventura Famadico na malutas ang naganap na pananambang sa isang konsehal sa San Pablo City noong nakaraang Lunes kung saan kabilang sa nasugatan ang isang pari.

Ayon sa obispo, hindi kailanman katanggap-tanggap ang paggawa ng masama sa lipunan lalo na ang paghahasik ng karahasan kaya’t mariin niyang kinokondena ang nangyaring pananambang.

Hinimok din ng obispo ang mga manananampalataya na ipagdasal na lamang na mahuli na ang salarin at magkaroon na ng justice ang mga biktima.

Ayon sa Provincial Police Office ng Laguna, nasugatan sa pananambang si Barangay Concepcion Kagawad Richard Galit nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sakay ng motorsiklo habang nasugatan naman sa kaliwang balikat si Fr. Emil Larano na nasa kabilang lane ng tambangan ang sasakyan ng kagawad.

Ayon kay Bishop Famadico, nasa mabuting kalagayan na ang Pari at kasalukuyang nagpapagaling sa isang pagamutan sa lalawigan.

TAGS: ambush, laguna, Radyo Inquirer, San Pablo, ambush, laguna, Radyo Inquirer, San Pablo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.