Naghihinagpis ang pamilya ng child star na si Sophie Corullo na namatay dahil sa dengue.
Ang 6 anyos na batang aktres ay pumanaw noong Linggo sanhi ng severe dengue.
Ayon sa ina ni Sophie, hindi dapat balewalain kapag may sakit ang anak.
Dapat anyang ipagamot agad ang anak at huwag isipin na simpleng lagnat lamang ang sakit.
Bukod kay Sophie, dalawa pang kapatid nito ang nasa ospital dahil din sa dengue.
Noong Sabado lamang ay napanood ang bata sa episode ng “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN.
Naging contestant si Sophie sa “Mini Me” segment ng “It’s Showtime.”
Nanawagan ang mga kaanak at kaibigan ni Sophie ng dasal para sa kanyang kaluluwa at donasyon bilang tulong sa kanyang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.