Malacañang: Ban sa online gambling nakadepende kay Duterte

By Rhommel Balasbas August 22, 2019 - 03:46 AM

Screengrab of PTV video

Nasa pagpapasya ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ipagbabawal ang lahat ng uri ng online gambling sa bansa ayon sa Palasyo ng Malacañang.

Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo araw ng Miyerkules, sinabi nito na tatanungin pa niya ang presidente sa polisiya nito tungkol sa isyu.

Hindi pa anya tiyak kung may posibilidad o wala.

“We have to ask the President on this policy or issue. Hindi natin alam kung may possibility or wala. We have to ask the President,” ani Panelo.

Ang pahayag ni Panelo ay matapos ang panawagan ni Chinese Foreign Ministry spokesman Geng Shuang na ipagbawal na ang lahat ng uri ng online gambling sa bansa.

“Indeed, we have also taken note of the Philippine government’s announcement and appreciate it. We hope the Philippines will go further and ban all online gambling,” ani Shuang.

Umaasa rin si Shuang na kasama ang China, paiigtingin pa ng gobyerno ng Pilipinas ang mga batas laban sa mga kriminal na aktibidad tulad ng online gambling at cyber fraud.

Magugunitang nagpahayag ng pagkaalarma si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa presensya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) malapit sa mga kampo ng militar at pulisya sa Metro Manila dahil sa posibilidad ng pang-eespiya.

 

TAGS: ban, bawal, China, cyber fraud', Defense Secretary Delfin Lorenzana, online casino, online gambling, POGO, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ban, bawal, China, cyber fraud', Defense Secretary Delfin Lorenzana, online casino, online gambling, POGO, Presidential Spokesperson Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.