Tradisyunal na New Year’s eve fireworks display sa Brussels, kinansela

By Len Montaño December 31, 2015 - 10:51 AM

fireworksKinansela ng mga otoridad ang tradisyunal na New Year’s eve fireworks display sa Brussels dahil sa banta ng pag-
atake ng mga terorista.

Noong Martes ay sinabi ng mga Federal Prosecutors na arestado ang dalawang tao na hinihinalang may planong
atakehin ang Brussels sa New Year’s eve.

Ayon kay Brussels Mayor Yvan Mayeur, nagdesisyon sila ng interior minister na huwag nang magkaroon ng selebrasyon
sa bisperas ng bagong taon.

Ang dalawang suspek, na nakatakdang humarap sa korte ngayong araw ng Huwebes, ay kabilang sa Kamikaze Riders
na isang motorbike club na ang mga miyembro ay karamihan na may North African origin at makikita sa online
videos ang kanilang bike stunts.

Nasa gitna ng imbestigasyon ang Belgium kaugnay ng terror attacks sa Paris, France noong November 13 kung saan
hindi bababa sa isang daan at tatlumpung katao ang namatay.

Huling kinansela ng Brussels ang new year fireworks noong 2007 kung kailan nasa high alert din ang bansa matapos
mapigil ang plano na iligtas ang isang convict sa pagpapasabog ng military base.

TAGS: banta ng terorismo, Brussels, Walang New Year's Fireworks, banta ng terorismo, Brussels, Walang New Year's Fireworks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.