Tropical Storm ‘Ineng’ napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Kanluran ng bansa

By Rhommel Balasbas August 21, 2019 - 11:18 PM

Napanatili ng Tropical Storm Ineng ang lakas nito sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.

Sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 970 kilometro Silangan ng Infanta, Quezon o 910 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora.

Bukas, ang outer rainbands ng Bagyong Ineng ay magdadala ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa Bicol Region, Quezon at Aurora.

Ang southwest monsoon o Habagat naman na hinahatak ng bagyo ay magdadala rin ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, at Mindoro provinces.

Mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Batanes, Babuyan Group of Islands, Visayas, nalalabing bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA.

Sa Linggo, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo at hindi ito inaasahang tatama sa kalupaan ng bansa.

Kahit nakalabas na ng PAR, hahatakin pa rin ng bagyo ang Habagat na magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa.

 

TAGS: Aurora, bagyong ineng, Casiguran, habagat, Kanluran, napanatili ang lakas, outer rainband, Pagasa, PAR, Aurora, bagyong ineng, Casiguran, habagat, Kanluran, napanatili ang lakas, outer rainband, Pagasa, PAR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.