Arbitral ruling, ididiga ni Pangulong Duterte sa China
Tinalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nalalapit niyang pagbisita sa China sa August 28 hanggang September 2, 2019.
Ayon sa pangulo, ididga niya ang arbitral ruling ng Permanent Court of Arbitration kung saan hindi kinikilala ang nine dash claim ng China sa South China Sea.
Ayon sa pangulo, bilang pangulo ng isang bansa na mayroong soberenya, hindi dapat kontrolin ang kanyang bunganga.
Kapag nagkataon na kinontrol siya sa kung ano ang kaniyang mga sasabihin, dapat na aniyang hindi na lang ituloy ang pakikipag-usap.
Giit ng pangulo, regalo mula sa Panginoon ang pagsasalita.
Tatalakayin din ng pangulo kay Chinese President Xi Jinping ang oil exploration deal sa pagitan ng Piliinas at China sa West Philippine Sea kung saan magiging 60-40 ang hatian pabor sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.