Bagyong Ineng, lumakas pa at isa nang tropical storm
Lumakas pa ang Bagyong Ineng at isa nang ganap na tropical storm.
Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,135 kilometers Silangan ng Quezon bandang 3:00 ng hapon.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometer per hour at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
Bumilis din ang bagyo sa 15 kilometer per hour habang kumikilos sa direksyong Hilagang Kanluran.
Ani Aurelio, inaasahan pa ang pagbilis ng Bagyong Ineng sa mga susunod na araw
Patuloy aniyang makararanas ng pag-uulan ang Luzon at Visayas dulot ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Sa araw ng Huwebes (August 22), katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang iiral sa Bicol Region at Cagayan Valley.
Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang mararnasan sa bahagi ng Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Dagdag pa ni Aurelio, malabong tumama sa kalupaan ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.