Paglaya ni convicted rapist Antonio Sanchez, hindi kailangan ng approval ni Pangulong Duterte
Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na hindi na kailangan ng approval ni Pangulong Rodrigo Duterte ang napipintong paglaya ni convicted rapist at murderer at dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.
Paliwanag ni Presidential spokesman Salvador Panelo, ang Bureau of Pardons and Parole na sa ilalim ng Department of Justice (DOJ) ang nagbibigay o nagpapasya kung sinong mga bilanggo ang nararapat na palayain.
Ayon kay Panelo, susundin lamang ni Pangulong Duterte ang mga umiiral na batas at hindi na kailangan na pairalin pa ang emosyon o ano pa man.
Nahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo si Sanchez dahil sa kasong panggagasa at pagpatay sa estudyanteng si Eileen Sarmenta noong 1993.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.