Pabahay sa Yolanda victims target matapos sa 2020

By Chona Yu August 21, 2019 - 12:52 PM

Puspusan ang ginagawang trabaho ngayon ng National Housing Authority (NHA) at iba pang sangay ng pamahalaan para matapos na ng 100 percent ang mga pabahay sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda na tumama sa Visayas Region noong Nobyembre 2013.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, ito kasi ang naging marching order ni Pangulong Duterte.

Sa ngayon, sinabi ni Nograles na 70 percent nang tapos ang pabahay para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda sa Region 6.

May ilang munisipyo kasi aniya ang nagkaka problema sa pagsasagaw ang housing units pero ito ay inaayos na ng NHA.

May mga housing units aniya ang wala pang tubig at kuryente.

Ayon kay Nograles, target ni Pangulong Rodrigo Duterte na 100 percent nang matapos ang pabahay sa Region 6 bago matapos ang taong 2019.

Una nang nabatikos ang administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III dahil sa mabagal na rehabilitasyon at pabahay sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda kung saan naging sentro ang Leyte.

TAGS: government housing, NHA, yolanda, government housing, NHA, yolanda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.