Pagtaas ng kaso ng HIV dahil sa kontaminadong karayom ikinabahala ni Rep. Gullas

By Erwin Aguilon August 21, 2019 - 12:45 PM

Nagpahayag ng pagkabahala si Cebu Rep. Eduardo Gullas sa mataas na kaso ng mga nahawaan ng HIV dahil sa paggamit ng contaminated needles.

Batay sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC), tinukoy na mas mabilis na nakakahawa ng HIV ang paggamit ng injection kumpara sa pakikipagtalik at kapansin-pansin din ang 33% na itinaas sa HIV infections sa mga “people who inject drugs” (PWIDs).

Itinuturo ni Gullas ang pagtaas ng paggamit ng opioid painkillers na isang seryosong hamon para sa kalusugan ng mga taga Central Visayas.

Dahil dito, pinakikilos ng kongresista ang Department of Health at Philippine Drug Enforcement Agency upang solusyunan ang problemang ito.

Sa 2,199 na drug users na nahawaan ng HIV dahil sa paggamit ng kontaminadong injection, 99% dito ay mula sa Central Visayas.

TAGS: HIV, HIV patient, HIV, HIV patient

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.