Petsa ng mga aktibidad para sa 2020 Brgy. at Sangguniang Kabataan Elections itinakda ng Comelec
Inilatag na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga petsa ng mga aktibidad para sa 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, kahit may mga panukala na ipagpaliban ang nasabing halalan.
Base sa Resolution Number 10573 ng Comelec ay napagdesisyunan na magsisimula sa March 12 hanggang March 19, 2020 ang paghahain ng COC o ng Certificate of Candidacy.
Ang kabuuan naman ng election period ay mula March 12 hanggang May 18, 2020, habang ang campaign period naman o panahon ng pangangampanya ay simula May 1 hanggang May 9, 2020.
Matatandaang nuong nagdaang State of the Nation Address ay mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-anunsyo o humiling na gawin na lamang sa October 2022 ang eleksyon.
Paliwanag ng comelec na hindi pa naman aprubado ang kahilingan ng pangulo kaya pansamantala ay kailangan pa rin nilang paghandaan ang proseso ng halalang pang-barangay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.