Pagkatay at pagbebenta ng mga karne ng baboy sa Rodriguez, Rizal hinigpitan

By Jan Escosio August 21, 2019 - 08:47 AM

Mahigpit ang ginagawang monitoring ngayon ng pamahalaang-bayan ng Rodriguez, Rizal sa pagkatay at pagbebenta ng karne ng baboy.

Kasunod ito nang pagsasailalim
sa quarantine sa tatlong barangay sa Rodriguez bunga ng hindi pa matukoy na sakit na pumapatay sa mga baboy.

Ayon kay Rosalito Badilla, meat inspector sa Municipal slaughterhouse, nakatutok sila sa pagkatay pa lang para matiyak na malusog ang mga baboy.

Dagdag pa nito, tinitiyak din nila na nasuri at may tatak ng National Neat Inspection Service o NMIS ang mga kinakatay nilang baboy.

Paliwanag pa ng opisyal kapag mula naman sa ibang bayan ang karne ng baboy dapat ay sertipikado ito ng beterinaryo.

Kung mula naman sa ibang probinsiya ang karne ay kailangan may shipping o transport permit na.

Nauna ng pinulong ng lokal na pamahalaan ang mga hog raisers sa bayan dahil sa pangamba na ang lubhang mapanganib na African Swine Fever ang tumama sa kanilang mga alaga.

Pinangunahan ni Mayor Tom Hernandez pulong kasama sina Dr. Gloria G. Salazar ng Department of Agriculture Region 4A, Dr. Oscar Jhon Caborayan ng Bureau of Animal Industry at si Municipal Agriculturist Anson Go.

TAGS: African Swine Fever, meat products, pork products, Rodriguez Rizal, African Swine Fever, meat products, pork products, Rodriguez Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.