LPA sa Catanduanes ganap ng Bagyong Ineng

By Len Montaño August 20, 2019 - 11:43 PM

Ganap ng naging Bagyong Ineng ang low pressure area (LPA) sa Silangan ng Virac, Catanduanes.

Sa Pagasa Severe Weather Bulletin No. 1 na inilabas alas 11:00 Martes ng gabi, huling namataan ang Bagyong Ineng 930 kilometers East ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at bugsong 70 kilometers per hour.

Tinatahak nito ang direksyong west northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

Ayon sa Pagasa, maliit ang tsansa na mag-landfall ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.

Pero posible itong lumakas at maging Tropical Storm sa loob ng 24 oras.

Gayunman, walang inaasahang direktang epekto ang bagyo partikular sa Metro Manila.

Asahan sa Miyerkules ang kalat-kalat na mahina hanggang katamtamang lakas na pag-ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Miyerkules ng gabi ay inaasahang nasa Baler, Aurora ang Bagyong Ineng, sa Tuguegarao City, Cagayan sa Huwebes ng gabi at Basco, Batanes sa Biyernes hanggang Linggo.

Sa Linggo ng gabi inaasahang lalabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Wala namang nakataas na anumang tropical cyclone wind signal.

 

TAGS: bagyong ineng, Cagayan, ganap ng bagyo, LPA, Pagasa, PAR, tropical cyclone wind signal, Tropical storm, bagyong ineng, Cagayan, ganap ng bagyo, LPA, Pagasa, PAR, tropical cyclone wind signal, Tropical storm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.