Duterte bibisita sa China sa August 28

By Chona Yu August 20, 2019 - 05:57 PM

May inilabas ng schedule ang Malacanang para sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Ayon kay presidential spokesman Salvador panelo, magtutungo ang pangulo sa China sa August 28 hanggang September 2.

Ito na ang ikalimang beses na bibisita ang pangulo sa China simula nang maupo sa puwesto noong 2016.

Una rito, sinabi ni Panelo na may natakdang bilateral talks sina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping para idiga ang ruling ng Permanent Court of Arbitration na hindi kinikilala ang nine dash claim ng China sa South China Sea.

Bukod sa arbitral ruling, tatalakayin din aniya ng dalawang lider ang code of conduct sa disputed waters pati na ang oil exploration deal.

Pagkatapos ng pagpupulong, manonood din ang pangulo sa laban ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa China kasama ang kanilang vice president.

TAGS: China, duterte, FIBA, Xi Jinping, China, duterte, FIBA, Xi Jinping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.