Foreign vessels na walang clearance bawal na sa Philippine waters
Pinagbabawalan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng foreign vessels na dumaan sa territorial waters ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kapag hindi sumunod ang foreign vessesls sa kautusan ni Pangulong Duterte ay dadaanin na sa unfriendly manner ang pagtataboy sa kanila.
Sinabi pa ni panelo na simula ngayong araw, kinakailangan na magbigay notice muna sa Pilipinas ang lahat ng foreign vessels na dadaan sa territorial waters ng bansa.
Ang Philippine Coast Guard aniya muna ang aaksyon sa pagpapalis sa mga foreign vessels at kapag hindi pa sumunod, saka na aniya papasok ang militar.
Ipinaliwanag ng kalihim na ang presensya ng Chinese warships sa karagatan ng Pilipinas ang nag udyok sa pangulo para magpalabas ng bagong kautusan.
Nauna nang sinabi ng Department of National Defense na ilang beses nilang namonitor ang pagdaan sa bansa ng mga Chinese warships ng walang kaukulang clearance sa pamahalaan./
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.