“Duterte” meaning sa urban dictionary pinalagan ng Malacanang

By Chona Yu August 20, 2019 - 04:12 PM

Inquirer file photo

Pumalag ang paslasyo ng Malacanang sa pagsama ng urban dictionary sa salitang “Duterte” na ang ibig sabihin ay scam, traydor, peke, low quality at iba pa.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, maaring mga anti-Duterte ang gumawa sa urban dictionary.

Paliwanag ni Panelo, para sa palasyo ang salitang “Duterte” ay nangangahulugan ng honest, incorruptible, politically-willed person, courageous, selfless, honest, transparent at iba pang magagandang salita.

Sinabi ni Panelo na bubusisiin muna ng palasyo kung ang tinutukoy ng urban dictionary na salitang “Duterte” ay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala ang kalihim na maari kasing fake news ang urban dictionary dahil base sa kanyang pagkakaaalam ang mga sikat na dictionary lamang gaya ng Webster ang kinikilala.

Kung totoo man aniya ang urban dictionary, sinabi ni Panelo na gagawa rin siya ng sariling bersyon ng kahulugan ng salitang Duterte.

“Well if that dictionary definition refers to the President then we have our own definition of the man which is exactly the exact opposite of what that dictionary means”, dagdag pa ng kalihim.

Ang urban dictionary ay isang online dictionary na nagsasagawa ng crowd sourcing para sa mga slang words at phrases na may mga kawili wiling kahulugan.

“Well if that dictionary definition refers to the President then we have our own definition of the man which is exactly the exact opposite of what that dictionary means”, dagdag pa ng kalihim.

TAGS: duterte, Malacañang, panelo, urban dictionary, duterte, Malacañang, panelo, urban dictionary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.