Dating Pangulong Manuel Quezon pinapurihan ng Israeli Ambassador

By Erwin Aguilon August 19, 2019 - 12:59 PM

Pinasalamatan ni Ambassador of extraordinary and plenipotentiary ng Embassy of the state of Israel na si Rafael Harpaz ang Pilipinas partikular na si dating pangulong Manuel Luis Quezon.

Ang papuri ay ginawa ni Ambassador Harpaz sa Quezon Memorial Circle kasunod ng ika-141 taong paggunita sa kaarawan ng dating pangulo ngayong araw.

Panauhing pandangal ang opisyal ng Israel sa okasyon na pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Ambassador Harpaz na hindi makakalimutan ng mga Israeli ang ginawang pagkupkop ng Pilipinas sa 1,200 Jewish refugees sa kasagsagan ng European holocaust noong 1941 hanggang 1945.

Batay sa kasaysayan hinangaan noon si Pangulong Quezon maging ng ibang mga bansa dahil sa kanyang pagkupkop sa mga hudyo na tumakas sa kanilang bansa dahil sa pagpatay ng kinatatakutan noon na Nazi.

Nag-alay ng bulaklak ang Israeli official sa bantayog ni Pangulong Quezon.

Samantala sa talumpati naman ni Mayor Belmonte, unang taon aniya ito ng kanyang panunungkulan na magiging hudyat para ituloy ang iba pang mga magagandang plano ni Quezon na hindi pa nagagawa.

TAGS: dating pangulong Manuel Luis Quezon, Dating President Manuel Quezon, Embassy of the state of Israel na si Rafael Harpaz, Israeli Ambassador, nazi, Pilipinas, Quezon City Mayor Joy Belmonte, dating pangulong Manuel Luis Quezon, Dating President Manuel Quezon, Embassy of the state of Israel na si Rafael Harpaz, Israeli Ambassador, nazi, Pilipinas, Quezon City Mayor Joy Belmonte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.