Pagcor nagpatupad ng moratorium sa POGO

By Ricky Brozas August 19, 2019 - 11:47 AM

Photo by: Eric Balcos

Inanunsiyo ngayon ni Pagcor Chairman and CEO Andrea Domingo na hindi muna magpapalabas ng lisensiya para mag-operate ng Philippine offshore gaming operators.

Sa Report to the Nation forum ng National Press Club, sinabi ni Domingo na tatagal ang moratorium hanggang sa katapusan ng taon.

Ito aniya ay upang na-review ang mga existing contracts ng POGO gaya ng employment na umaabot and security na kanila na ring nasimulan tatlong linggo na ang nakaraan.

Kailangan aniyang mamonitor ang employment na sa datos ng ahensya ay umaabot na sa 130,000.

Nabatid ngayong taon ay umaabot na sa apat na bilyong piso ang nakolekta sa POGO operations at target ng Pagcor na makakulekta ng walong bilyong puso, ang mas mataas pang koleksiyon sa pamamagitan ng epektibo at episyenteng pangungulekta.

Una rito ay nilinaw ni Domingo, na dinatnan na lamang niya ang POGO na matagal na aniyang nag-o-operate bago siya naitalagang pinuno ng Pagcor.

TAGS: moratorium sa POGO, Nation forum ng National Press Club, pagcor, PAGCOR chairman and ceo Andrea Domingo, moratorium sa POGO, Nation forum ng National Press Club, pagcor, PAGCOR chairman and ceo Andrea Domingo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.