Pag-angat ng water level ng Angat Dam bumagal nitong weekend

August 19, 2019 - 07:59 AM

Bumagal ang pagtaas ng water level ng Angat dam nitong weekend.

Simula noong Biyernes (Aug. 16) kung saan naitala ang 177.12 meters na water level ng dam ay bahagya lamang ang iniakyat ng antas ng tubig nito noong Sabado at Linggo.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, ngayong umaga ng Lunes, Aug. 19 ay nasa 177.60 meters ang water level ng dam.

Bahagya lamang ang naging pagtaas nito sa nakalipas na 24 na oras dahil kahapon ng alas 6:00 ng umaga ay nasa 177.54 meters ang water level ng dam.

Maliban sa Angat, nadagdagan din ang water level ng San Roque, Pantabangan at Caliraya.

Habang nabawasan naman ang water level ng Ipo, La Mesa, Ambuklao, Binga at Magat.

TAGS: Angat Dam, Pagasa, pagasa hydrology, Angat Dam, Pagasa, pagasa hydrology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.