Panelo nagngitngit sa akusasyong siya ay Chinese Embassy spokesperson

By Rhommel Balasbas August 19, 2019 - 03:39 AM

Binweltahan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo si Sen. Panfilo Lacson sa pagkwestiyon nito kung siya ba ay tagapagsalita ng presidente o ng Chinese embassy.

Ang sagutan ng dalawa ay sa gitna ng mga pamgamba ukol sa posibilidad ng pag-eespiya ng Chinese workers mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) outlets na nakatayo mismo malapit sa mga kampo ng militar at pulisya sa Metro Manila.

Isinapubliko ni Panelo ang isang text message mula kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua na tila umano’y pagbabanta sa Malacañang na maaari ring akusahan ng China ang overseas Filipino workers ng pag-eespiya.

Ito ang dahilan ng pagkwestyon ni Lacson sa trabaho ni Panelo na parang nagpapaliwanag pa para sa China.

Pero depensa ni Panelo, walang mali sa pagbahagi niya ng text message ni Jianhua at trabaho niya anyang magsapubliko ng impormasyon ukol sa mga pambansang isyu kabilang na ang may kinalaman sa overseas Filipino workers (OFWs).

“There is nothing wrong with sharing the text message of Chinese Ambassador Zhao Jianhua as the same was made to provide a context and response to a query from a media reporter,” ani Panelo.

Ayon kay Panelo, baka kailangan ding ikonsidera ang opinyon ng China para sa mga gagawing aksyon ng gobyerno bilang pagrespesto na rin sa Chinese nationals na nagtatrabaho sa bansa.

“As his spokesperson, I take it as my responsibility to inform the public because China’s stance may need to be considered in any policy or government action with respect to Chinese nationals working here,” giit ni Panelo.

Sinabi pa ng kalihim na kung hindi ‘concerned’ ang senador sa kapakanan ng mga OFWs, ang Office of the President ay may pakialam.

Pero sa pamamagitan muli ng isang tweet, sinabi ni Lacson na hindi na naman nakuha ni Panelo ang punto.

Hindi anya isyu ang kapakanan ng mga OFW o ang pahayag ng Chinese ambassador na nagtatanggol sa posisyon ng kanilang bansa.

Giit ni Lacson, ang isyu ay ang tila pag-agaw ni Panelo sa trabaho ng tagapagsalita ng Chinese embassy.

TAGS: Chinese Ambassador Zhao Jianhua, Chinese embassy spokesperson, espionage, Philippine offshore gaming operators, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Senator Panfilo "Ping" Lacson, Chinese Ambassador Zhao Jianhua, Chinese embassy spokesperson, espionage, Philippine offshore gaming operators, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Senator Panfilo "Ping" Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.