Guanzon sa alegasyong extortion ni Cardema: “I’m richer than him for sure”

By Rhommel Balasbas August 19, 2019 - 01:25 AM

Nakatikim ng matinding banat si dating Former National Youth Commission (NYC) chair Ronald Cardema mula kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon matapos ang akusasyon nito ng extortion.

Sa isang press conference noong Sabado, sinabi ni Cardema na humingi ng pabor at pera si Guanzon para payagan ang akreditasyon ng Duterte Youth party-list.

Matapos ang payo ni Guanzon noong Sabado na kumuha si Cardema ng magaling na abugado para mapag-aralan ang kanyang kaso, binanatan ng Comelec commissioner ang congressman wannabee.

Ayon kay Guanzon, bakit naman siya mangingikil kay Cardema gayong mas mayaman pa siya rito.

Sinabi pa ni Guanzon na baka nga walang kahit P500,000 si Cardema sa kanyang bank account.

Magugunitang ibinasura ng Comelec first division ang nominasyon ni Cardema sa Duterte Youth party-list dahil lampas na ito sa age limit para irepresenta ang youth sector sa Kongreso.

TAGS: Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, Duterte Youth, Extortion, Former National Youth Commission (NYC) chair Ronald Cardema, Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, Duterte Youth, Extortion, Former National Youth Commission (NYC) chair Ronald Cardema

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.