HB Entertainment kinumpirma ang planong divorce nina Ku Hye Sun, Ahn Jae Hyun
Hindi pa man nakakamove-on ang K-drama lovers sa hiwalayang Song Hye Kyo at Song Joong Ki, isa na namang showbiz couple ang nakatakdang maghiwalay.
Kinumpirma ng HB Entertainment ang planong diborsyo nina Ku Hye Sun at Ahn Jae Hyun araw ng Linggo.
Ang HB Entertainment ang talent agency ng dalawang Korean actors.
Naglabas ang HB Entertainment ng opisyal na pahayag matapos ang mga deleted posts ni Hye Sun na nagpaputok sa balitang hiwalayan.
Ayon sa talent agency, sa kabila ng pangungumbinsi ng marami, dumating na sa punto na hindi na kaya pang isalba nina Hye Sun at at Jae Hyun ang kanilang kasal bunsod ng maraming isyu.
Matapos umano ang seryosong pag-uusap ay kapwa nagkasundo ang mag-asawa na maghiwalay na.
“Despite the encouragement and expectations of many, the two actors recently reached a point where they felt they could no longer maintain their marriage due to various issues. And after a serious conversation, they both agreed to get a divorce,” ayon sa pahayag ng HB entertainment.
Ayon pa sa talent aency, si Hye Sun ang unang gumawa ng hakbang para sa diborsyo matapos kumuha ng abugado at bumalangkas ng divorce agreement.
Umaasa umano si Hye Sun na maihain ang divorce ngayong buwan at matapos ang buong proseso sa Setyembre.
Magugunitang umusbong ang pagmamahalan nina Hye Sun at Jae Hyun habang ginagawa ang seryeng Blood noong 2015.
Sa sumunod na taon lamang ay kinasal na ang dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.