Paglalagay ng POGO malapit sa mga kampo ng militar at pulis, okay lang – Palasyo
Walang nakikitang mali ang Palasyo ng Malakanyang kung ilalagay malapit sa mga kampo ng militar at pulis ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) ng China sa Pilipinas.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na okay lang ito kung makabubuti sa kaligtasan ng Chinese workers.
Una rito, sinabi ni Panelo na hinihintay ng Palasyo ang report ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kaugnay sa panukalang ilagay sa isang hub ang mga POGO worker.
Pero dapat lang tiyakin, ayon kay Panelo, na hindi malalabag ang kalayaan ng mga Chinese worker na malayang makagalaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.