Duterte Youth President Cardema, tinawanan ang ‘Lason sa Daga’ na pahayag ni Comelec Commissioner Guanzon

By Chona Yu August 18, 2019 - 02:06 PM

Natawa lamang si Duterte Youth President Ronald Cardema sa tweet ni Commission on Elections Commissioner (Comelec) Rowena Guanzon kung saan nagpapakita ng larawan ng “Lason sa Daga, Free Taste” bilang tugon sa alegasyon na nangikil ang opisyal kapalit ng akreditasyon ng partylist group.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Cardema na durog na durog na ang kanilang hanay dahil sa panggigipit ni Guanzon.

Masyado na aniyang dehado ang kanilang hanay dahil sa hindi sila makapalag sa pangambang makasuhan ng juris prudence dahil nakabinbin pa ang kaso ng akreditasyon ng Duterte Youth Partylist Group.

Halata aniyang hindi na makasagot ng diretso si Guanzon sa kanyang alegasyon.

Sinabi pa ni Cardema na naka screenshot ang mga ipinadalang mensahe ni Guanzon sa cellphone.
Nagwawala at galit na galit na aniya si Guanzon dahil ito na ang kanyang huling eleksyon at magrertiro na sa Comelec.

Sinabi pa ni Cardema na may mga hiningi ring pabor si Guanzon gaya ng pagtatalaga ng kanyang mga tauhan sa ibat ibang posisyon sa pamahalaan subalit hindi napagbigyan.

TAGS: Commission on Elections Commissioner (Comelec) Rowena Guanzon, durog na durog na ang dutete partylist dahil sa panggigipit ni guanzon, Duterte Youth President Ronald Cardema, Commission on Elections Commissioner (Comelec) Rowena Guanzon, durog na durog na ang dutete partylist dahil sa panggigipit ni guanzon, Duterte Youth President Ronald Cardema

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.