Pangulong Duterte, maayos ang kalagayan—Malakanyang

By Clarize Austria August 18, 2019 - 09:21 AM

Siniguro ng Palasyo ng Malakanyang na maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte at abala lang sa trabaho kung kaya’t hindi masyadong lumalabas sa publiko simula noong August 9.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvadro Panelo, nakausap niya ang pangulo at marami lang aniyang inaasikaso ang pangulo kabilang na dito ang ilang mga pulong at courtesy calls.

Tambak din aniya ang mga dokumentong tinitignan ng pangulo dahil binubusisi ng maigi.

Kung hindi man aniya mabuti ang lagay ni Pangulong Duterte, ang presidente mismo ang magsasabi nito sa publiko.

TAGS: abala sa mga paperworks pati na sa mga pagpupulong, Palasyo ng Malakanyang, Presidential Spokesman Salvadro Panelo, Rodrigo Duterte, abala sa mga paperworks pati na sa mga pagpupulong, Palasyo ng Malakanyang, Presidential Spokesman Salvadro Panelo, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.