Paglaganap ng mga POGO sites, pinaiimbestigahan ng Kamara
Pinasisiyasat na ng ilang mambabatas sa Kamara upang talakayin ang paglagnap ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) outlets sa bansa.
Ayon kay Pwersa ng Bayaning Atleta Representative Jericho Nograles, maselang isyu sa seguridad ng bansa ang mga pagdami ng mga POGO sites na malapit sa kampo ng militar at pulisya sa Metro Manila.
Sinabi naman ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na may kapasidad ang kakayahan ang mga Tsino na gamitin ang mga naturang POGO outlets para sa military at political purposes.
Nakatanggap din umano ng mensahe si Nogales mula sa ilang mga Pilipino na nakakapansin na kilos sundalo ang mga manggagawa sa POGO hubs.
Ang pagpapatawag ng Kamara ng house inquiry ay kasunod ng pagkabahala ng Department of Defense sa mga POGO sites na malapit sa mga kampo ng hukbong sandataan ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.