Autopsy sa mga bangkay ng EJK victims, muling isinusulong

By Clarize Austria August 18, 2019 - 08:07 AM

Itinutulak ni Senator Francis Pangilinan ang mandatory autopsy para sa mga naging biktima ng diumano’y extra judicial killings (EJK) sa bansa .

Kasunod ito ng paggunita sa pagkakapaslang sa binatilyong si Kian delos Santos matapos umanong manlaban sa pulisya.

Sa kasalukuyan, pinapayagan lang na maisailalim sa autopsy ang mga bangkay na hindi malinaw ang dahilan ng pagkamatay.

Kung makakalusot ang panukala ni Pangilinan, magiging batas ito na magmamandato na isalalim sa autopsy ang katawan ng nasawi kahit pa tumutol ang pamilya nito.

Ayon sa senador, layunin ng panukala na makatulong sa imbestigasyon ng tumataas na bilang ng mga pagpatay simula noong 2017.

Una itong isinulong ni Pangilinan noong 2017 dahil sa laganap na patayan kaugnay ng kampanya illegal na droga.

Kabilang naman sa mga dahilan para isailalim sa autopsy ang isang bangkay ay kung nasawi ito dahil sa krimen, kung hindi maipaliwanag ang dahilan, kung hindi pa nakikilala ang katawan, at pagkasawi sa loob ng kulungan o kung nasa kustodiya ng pulisya.

TAGS: mandatory autopsy sa mga namatay sa EJK at War on Drugs, napatay na menor de edad Kian delos Santos, Senator Francis Pangilinan, mandatory autopsy sa mga namatay sa EJK at War on Drugs, napatay na menor de edad Kian delos Santos, Senator Francis Pangilinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.