Guanzon pinayuhan si Cardema na kumuha ng magaling na abogado
Matapos siyang akusahan ng extortion, may payo si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon kay dating National Youth Commission (NYC) head Ronald Cardema.
Payo ni Guanzon, dapat pag-aralan ni Cardema ang kanyang kaso at kumuha ito ng magaling na abogado.
Ang pahayag ng Comelec Commissioner ay kasunod ng alegasyon ni Cardema na nangikil umano si Guanzon, sa pamamagitan ng kongresistang emisaryo, kapalit ng pag-apruba sa accreditation ng Duterte Youth party-list group.
Samantala, kinuwestyon ni Guanzon ang ginawa ni Cardema noong nakaaupo pa itong pinuno ng NYC.
Sa kanyang tweet, nagtanong si Guanzon na nagsagawa ba si Cardema ng partisan politics habang ito ang NYC chairman?
Puna ni Guanzon, ang alegasyon ni Cardema na extortion ay sinasabing nangyari sa unang bahagi ng 2019 noong ito pa ang NYC chairman.
Dagdag ng Comelec Commissioner, ang akusasyon ni Cardema ay tila pahiwatig na sangkot ito sa partisan political activities habang nakaupong pinuno ng NYC.
Matatandaan na naghain si Cardema ng application for substitution bilang first nominee ng Duterte Youth partylist group matapos na umatras ang mga original nominees kabilang ang asawa nitong si Ducielle Marie Cardema.
Pero nagdesisyon ang Comelec First Division na hindi eligible si Cardema bilang kinatawan ng mga kabataan dahil 34 anyos na ito na taliwas sa party-list law na ang youth sector representative ay dapat nasa pagitan ng 25 at 30 anyos.
A friendly advise to @RonaldCardema he should study his case and get good lawyer. Imagine a former @COMELEC Chairman is opposing him.
— Rowena V. Guanzon (@commrguanzon) August 17, 2019
Note his allegation that the incident occurred early 2019 when he was still NYC Chair. Is he saying he was engaging in partisan political activities while he was NYC Chair? @COMELEC
— Rowena V. Guanzon (@commrguanzon) August 17, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.