2 lalaking timbog sa buybust operation sa Pikit, Cotabato

By Marlene Padiernos August 17, 2019 - 10:52 AM

Inquirer file photo

Arestado ang dalawang tulak umano ng droga sa isinagawang buybust operation sa lalawigan ng Cotabato.

Ayon kay Captain Mautin Pangandigan, hepe ng pulisya ng Pikit, naging katuwang nila sa nasabing operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) sa Barangay Inug-ug sa Pikit, Cotabato.

Kung saan ay nadakip nila ang mga suspek na kinilala bilang sina Buhari Katugan Edris alyas Tolaw, 31 taong gulang, at si Reybodin Mandatu Biang, 28 taong gulang, na kapwa residente sa bayan ng Pikit North Cotabato.

Narekober sa dalawa ang ilang pakete ng shabu at ang mark money na ginamit ng mga otoridad sa operasyon.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buybust operation, Cotabato, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12), pikit, buybust operation, Cotabato, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12), pikit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.