Tindero ng isda, patay sa pamamaril sa Pangasinan
Nasawi ang isang tindero ng isda habang sugatan naman ang misis nito matapos paulanan ng bala sa bayan ng Calasiao, Pangasinan.
Tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ng 53 anyos na biktimang kinilalang si Mario De Leon, isang tindero ng isda at caretaker sa isang fishpond habang sugatan naman ang asawa nito na si Josie De Leon matapos madaplisan ng bala sa braso.
Ayon sa ulat na inilabas ng pulisya, pauwi na ang mag asawa mula sa palengke nang pagbabarilin sila ng isang hindi pa nakikilalang riding in tandem.
Agad na isinugod ang dalawang biktima sa pagamutan ngunit sa kasamaang palad ay naitalang dead on arrival si Mario habang nasa maayos na kondisyon naman na ang asawa nitong si Josie.
Samantala, patuloy parin sa imbestigasyon ang pulisya sa mga posibleng motibo at mga taong nasa likod ng pamamaril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.