Pagka-aresto sa umanoy ‘bagman’ welcome sa kampo ni De Lima

By Len Montaño August 17, 2019 - 01:58 AM

Tetch Torres-Tupas/INQUIRER.net

Welcome development sa kampo ni Senator Leila De Lima ang pagka-aresto sa umano’y kanyang pamangkin at bagman sa kasong droga na kanyang kinakaharap.

Ikinatuwa ng panig ng Senador na nahuli na si Jose Adrian Dera dahil sa magiging epekto ng testimonya nito sa kaso.

Ayon kay Atty. Filibon Tacordon, abogado ni De Lima, si Dera mismo ang magde-deny na ginamit siya ng Senadora para makalikom ng pera mula sa mga high-profile inmates sa New Bilibid Prison.

Matatandaan na sinabi ng umanoy drug lord na si Peter Co na dalawang beses itong nagbigay ng P5 milyon kay Dera para sa kandidatura ni De Lima bilang Senador.

Si Dera ay naaresto ng NBI sa Angeles, Pampanga Biyernes ng umaga.

Itinanggi naman nito na pamangkin at bagman siya ng Senadora at iginiit na isa siyang police asset.

 

TAGS: Angeles, bagman, deny, drug lord, inmate, Jose Adrian Dera, NBI, new bilibid prison, Pampanga, peter co, police asset, Senator Leila De Lima, Angeles, bagman, deny, drug lord, inmate, Jose Adrian Dera, NBI, new bilibid prison, Pampanga, peter co, police asset, Senator Leila De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.