Provincial government ng Laguna bumili ng bagong oxygen hood

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2019 - 06:22 PM

Bumili ng bagong oxygen hood ang provincial government ng Laguna para matugunan ang tumataas na bilang ng mga pasyenteng nangangailangan ng oxygenation sa Dr. Jose P. Rizal Memorial District Hospital sa Calamba.

Ayon kay Laguna Gov. Ramil Hernandez, 9 na sanggol na ngayon ang nakikinabang sa mga bagong oxygen hood.

Ang oxygen hood ay makatutulong sa paghinga ng mga sanggol.

Kamakailan ay nag-viral sa social media ang larawan ng sanggol sa ospital sa Laguna na ginamitan ng improvised na oxygen hood.

Gawa sa galon ng tubig ang oxygen hood na hinati sa gitna at saka ginamit sa sanggol.

Sinabi ni Hernandez na sa mga pagkakataong kulang ang supply ng ospital dahil sa dami ng mga pasyente ay kinailangang gumawa ng paraan ng mga doktor para matiyak na ligtas ang mga pasyente.

Aniya sinabi naman ng DOH na maaari gawing alternatibong oxygen hood ang mga plastic bottles basta’t siguraduhin lang na ligtas at malinis ang mga ito.

TAGS: improvised oxygen hood, laguna, oxygen hood, improvised oxygen hood, laguna, oxygen hood

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.