CEO ng Cathay Pacific nagbitiw sa pwesto sa gitna ng alegasyong paglahok ng ilang empleyado ng airline sa HK protests

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2019 - 05:59 PM

Nagbitiw sa pwesto ang CEO ng Cathay Pacific Airways.

Ito ay kasunod ng natanggap na pressure mula Beijing dahil ang ilan umanong empleyado ng airline company ay lumalahok sa anti-government protests sa Hong Kong.

Sa kaniyang pahayag sinabi ni Cathay Pacific CEO Rupert Hogg, inaako niya ang buong responsibilidad sa mga pangyayari.

Noong Lunes, nagbabala na si Hogg sa mga empleyado ng airline company na maari silang mapatawan ng parusa kung lalahok sa protesta.

Ayon naman kay John Slosar ang chairman ng kumpanya, kailangan ng bagong management ng airline company dahil nakwestyon ang commitment ng Cathay Pacific sa usapin ng safety at security dahil sa mga nagdaang pangyayari.

TAGS: cathay pacific, cathay pacific ceo, Hong Kong Protests, Radyo Inquirer, rupert hogg, cathay pacific, cathay pacific ceo, Hong Kong Protests, Radyo Inquirer, rupert hogg

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.