Aktres na gaganap sa live action na ‘Mulan’ sumuporta sa HK police; #BoycottMulan nag-trend sa twitter

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2019 - 05:06 PM

Trending sa Twitter ang panawagang i-boycott ang live-action adaptation ng ‘Mulan’.

Ito ay makaraang magpahayag umano ng suporta sa Hong Kong police ang aktres na si Liu Yifei na siyang gaganap bilang ‘Mulan’ sa 2020 film.

Kumalat sa Twitter ang screenshot ng post ni Liu sa kaniyang ‘Weibo Account’ kung saan sinusuportahan nito ang mga otoridad sa Hong Kong sa gitna ng mga alegasyong masyadong naging brutal ang mga ito sa mga nagpoprotesta.

May caption ang post ni Liu na “I support Hong Kong’s police, you can beat me up now. What a shame for Hong Kong.”

Dahil dito, nag-trend sa Twitter ang #BoycottMulan.

Si Liu ay dinala sa Amerika ng kaniyang pamilya sa edad na 10 at naging citizen doon makalipas ang limang taon.

Bumalik siya sa China para sa kaniyang acting career.

Hayag ang pagsuporta ni Liu sa Chinese government base sa kaniyang mga post sa Weibo.

TAGS: boycottmulan, China, HOng Kong Protest, Liu Yifei, mulan, Radyo Inquirer, boycottmulan, China, HOng Kong Protest, Liu Yifei, mulan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.