Isang batch ng infant formula milk na Similac binawi sa merkado ng kumpanyang Abbott – FDA
Inabisuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko ukol sa boluntaryong pag-recall sa merkado ng Abbott Laboratories Incorporated ang isang batch ng infant milk.
Batay sa abiso ng FDA, pina-recall ni kumpanya ang Similar Tummicare One Infant Formula na 820 grams, may batch no 03-51-8-QU, ginawa noong March 2019 at may expiry date na March 2022.
Nalaman ng kumpanya ang iregularidad sa produkto nang magtanong ang isang customer ukol dito.
Ayon sa ahensya, sinabi ng kumpanya na nagkaroon ng pagkakaiba sa label instruction at preparation scoop size ng produkto.
Tiniyak naman ng kumpanya na wala pa silang natatanggap na ulat dahil sa insidente.
Sa mga nakabili ng produkto, maaring palitan ang produkto o refund sa pagtawag sa mga numero ng Abbott Laboratories na 995-1555 sa Maynila o sa 18-00-10-995-1555 para sa mga nakatira sa probinsya.
Maari ring magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng kanilang email address na familyties.ph at abbott.com.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.