SOGIE Bill pinase-sertipakahang urgent kay Pangulong Duterte
By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2019 - 11:26 AM
Pinase-sertipikahang urgent kay Pangulong Rodrigo Duterte ang sexual orientation and gender identity and expression (SOGIE) equality bill.
Umapela si Bataan 1st Dist. Rep. Geraldine Roman sa pangulo na bigyang pansin ang pangangailangan ng LGBTQ+ community.
Naniniwala si Roman na magiging bukas ang pangulo sa isyu.
Sa ilalim aniya ng SOGIE bill ay mabibigyan ng pantay na proteksyon at karapatan ang lahat anuman ang kasarian.
Umaasa din si Roman na makakakuha ng suporta sa mga mambabatas ang SOGIE Bill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.