Mahigit 100 sasakyan huli sa ilegal na pagparada sa Makati
Tuluy-tuloy ang clearing operations sa mga lansangan sa Makati City.
Sa maghapon lamang ng Huwebes (Aug. 15) ay umabot sa 118 na sasakyan ang nahuli dahil sa ilegal na pagparada.
Inisyuhan ng ticket ang mga driver ng nasabing mga sasakyan ng mga tuahan ng Public Safety Department (PSD).
Ikinasa ang operasyon sa Jupiter St., JP Rizal St., Sampaguita St., Kalayaan Ave., Salamanca St., Yakal St., Emilia St., Edison St., Dela Rosa St., at sa Pasong Tamo.
Araw-araw ang operasyon ng PSD ng Makati City para masigurong malinis sa anumang obstruction ang mga kalsada sa lungsod.
Hinimok naman ng PSD ang mga residente sa lungsod na iulat sa kanila ang mga lumalabag sa anti-illegal parking policy, mga ilegal na vendor, at iba pang road obstructions.
Maaring gamitin ang Makatizen App para sa pagsusmbong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.