China nagbantang gagamit ng pwersa sa nagpapatuloy na protesta sa Hong Kong
Nagbanta ang China na gagamitan na ng pwersa ang nagpapatuloy na public protest sa Hong Kong.
Sa Shenzen na nasa border ng Hong Kong, daan-daang miyembro na ng People’s Armed Police ng China ang nagsasagawa ng exercises.
Ikinabahala naman ng US State Department ang pagkilos na ito ng militar ng China.
Una rito ay nanawagan si US President Donald Trump kay Chinese Pres. Xi Jinping na personal na kausapin ang mga nagpoprotesta.
Sa kabila ng development, naninindigan ang mga nagpoprotesta na magpapatuloy pa ang kanilang pagkilos.
Ayon sa Civil Human Rights Front, sa Linggo ay muli silang magkakasa ng protesta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.