Water allocation sa Maynilad, Manila Water posibleng dagdagan na
Bagamat hindi pa pwedeng ibalik sa normal na alokasyon na 46 cubic meters per second, posible namang madagdagan na ang tubig na ilalaan sa Maynilad at Manila Water.
Ito ay dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ayon sa National Water Resources Board (NWRB), posibleng maging 38 hanggang 40 cubic meters per second na ang water allocation sa dalawang water utilities.
Pero mas mababa pa rin ito sa normal na alokasyon na 46 cubic meters per second.
Gayunman, mangangahulugan ito na mababawasan na ang mga lugar sa Metro Manila na walang tubig.
Nasa halos 100 porsyento nang naibalik ang supply ng tubig ng mga customers ng Manila Water at Maynilad na unang naapektuhan ng water crisis.
Matatandaan na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagalit sa Maynilad at Manila Water dahil sa water interruptions.
Idinahilan naman ng dalawang kumpanya ang bumagsak na water level sa Angat Dam sa kasagsagan ng El Niño.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.