Malacañang: Pangulong Duterte abala sa paperworks at private meetings

By Rhommel Balasbas August 16, 2019 - 02:35 AM

Nagpaliwanag ang Palasyo ng Malacañang kung bakit hindi nakita ng publiko si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo.

Magugunitang ang huling public engagement ng presidente ay noon pang August 9 kung saan nagbigay ito ng talumpati sa 118th Police Service Anniversary ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame.

Sa news conference araw ng Huwebes, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na abala lang ang presidente sa pagdalo sa mga private meetings, courtesy calls at mga paperworks.

Paliwanag ng kalihim, bilang abugado, matiyagang nagbabasa ng mga dokumento si Duterte bago ito pumirma.

“Kasi sa aming mga lawyers, bago kami pumirma, binabasa namin. Matiyaga kaming nagbabasa ng dokumento bago mo ilagay iyong pirma mo eh, iyon ang sinabi niya sa akin eh. ‘Yan ang… ‘So it takes time reading before I sign it,’ iyon ang nakakatagal sa kaniya,” ayon kay Panelo.

Ani Panelo, busy ang pangulo sa lahat ng bagay at masyado itong workaholic.

“Si Presidente busy sa paper work, busy sa engagement, busy sa lahat si Presidente, hindi ba?” dagdag pa ng kalihim.

Magugunitang ang ilang beses na hindi pagpapakita ni Duterte sa publiko ay nakalikha ng mga ispekulasyon ukol sa kalusugan nito.

Makailang beses namang iginiit ng Palasyo na maayos ang kalusugan ng presidente.

 

TAGS: abala, kalusugan, paperworks, PNP, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, private meetings, public engagement, Rodrigo Duterte, abala, kalusugan, paperworks, PNP, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, private meetings, public engagement, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.