Ilang parte ng Batangas, apat na oras mawawalan ng kuryente – NGCP
Makararanas ng apat na oras na walang kuryente ang ilang bahagi ng Batangas bukas, araw ng Biyernes (August 16.).
Base sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), magsisimulamg mawalan ng kuryente bandang 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Ito ay dahil sa gagawing correction at maintenance sa mga linya sa kahabaan ng Lipa, Batangas kaya apektado nito ang mga consumer ng BATELEC II.
Samantala, nakaranas naman ng power interruption ngayong araw ang Isabela bandang 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.
Ayon sa NGCP, ito ay dahil sa pagpalit ng mga poste ng kuryente at line hardware sa Solano-Tabuk.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.