Umento sa ATM fees bubusisiin ni Sen. Grace Poe
Nangako si Senator Grace Poe na susuriin ng husto ang plano na taasan ang singil ng mga bangko sa kanilang ATM transactions.
Paniwala ni Poe dagdag pahirap na naman ito sa mga manggagawang Filipino.
Aniya nakahanda ang pinamumunuan niyang Committee on Banks na magsagawa ng public hearing sa isyu.
Puna ng senadora maliit ang interes na inaalok na mga banko ngunit malaki naman ang sisingilin sa simpleng balance inquiry at withdrawal.
Base sa mga ulat, may ilang banko na humirit ng mataas na ATM fees mula 36 hanggang 50 porsiyento matapos bawiin na ng Bangko Sentral ang moratorium sa ATM fee increases.
Dagdag ni Poe dehado ang 4.1 milyon minimum wage earners na tumatanggap ng kanilang sahod sa ATM card.
Aniya gusto niyang marinig ang katuwiran ng mga banko sa kanilang plano at tanong niya bakit ang mga kliyente ang babalikat sa gastusin ng mga serbisyo ng bangko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.