Black sand mining at dredging sa Cagayan River walang katotohanan – Gov. Mamba

By Erwin Aguilon August 15, 2019 - 04:59 PM

Handang magbitiw si Cagayan Governor Manuel Mamba kung mapapatunayan na may blacksand mining at dredging na nagaganap sa Cagayan River sa Aparri, Cagayan.

Ang hamon ay kasunod ng akusasyon ni DPWH Central Office Consultant Francis Nunez na may nagaganap na blacksand mining sa lugar at kumikita ng 50-milyong dolyares ang POIE sa bawat shipment nito.

Iginiit naman ng abogadi ng Pacific Offshore Inc o POIE si Atty. Dominador Say na walang magaganap na “blacksand

mining” sa isasagawang nilang pagpapalalim at de-clogging ng bukana ng Cagayan River para sa pagbuhay muli ng Port of Aparri.

Katunayan, mismong ang Mines and Geosciences Bureau o MGB ang na-isyu ng sertipakasyon na mababa o walang commercial value ang magnetite ore sa bahagi ng ilog Cagayan.

Malinaw din na pagpapalalim at paglilinis lamang ang sadya ng proyekto para maisakatuparan ang pinaka pangunahing plano na buhayin ang Port of Aparri.

Dagdag pa ng abogado, kumpleto sila ng permit at requirements at pawang exploratory at testing activities pa lamang ang nagaganap na siyang hinihingi para makapagsimula na sila sa paglilinis ng Bukana at kalaunan ay mabuksan muli ang Port of Aparri.

Una rito ay binigyan ng otoridad ng Sangguniang Panlalawigan si Gov. Mamba na pumasok sa kasunduan sa POIE para i-dredge ang Cagayan River at mismong ang Provincial Board ang pumili sa nasabing kumpanya at hindi ang Gobernador.

TAGS: Black Sand Mining, Cagayan, Cagayan Province, Black Sand Mining, Cagayan, Cagayan Province

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.